Pages

23 November 2011

[coffee]holic!


Hindi ko alam kung pano ba ako naadik sa kape. Ngayon ko nalang halos namalayan dahil madalas ako punahin ni mama na sobra na daw ang pag-inom ko ng kape…. Hindi naman ako maluho sa pagkakape. Ok na saken yung instant coffee na nabibili sa tindahan, itimpla lang sa mga 90 degrees Celcius na tubig at medyo madaming asukal para medyo matamis, ok na. Mas nakahiligan ko yung three-in-one na coffee, kaya lang hindi pa rin ako kontento sa tamis kaya dinadagdagan ko pa rin ng asukal. Pag nilagyan mo na ng tubig na mainit, humahalimuyak na ang amoy… haayyy, hindi na ata pwedeng tanggihan. Ganito ba talaga ang adik na sa kape.

Kung adik na talaga ako, hindi ko alam kung bakit…. Ang naaalala ko lang pag nag-aaral ako ng gabi na noong elementarya palang ako eh nasa harap ko dapat ang isang basong kape. Nakaugalian ko na yun hanggang magkolehiyo ako. Sabe nila, pampagising daw ang kape, hindi ko alam pero hindi totoo saken, lalo na pag pagod ako at gusto kong magpuyat para sa assignment o review… Mas matapang yata ang antok ko kaysa sa bisa ng caffeine.  Si mama naman lagi nalang akong pinagsasabihan… Sa tuwing magtitimpla kasi ako, madalas tinitikman nya… kaya nalalaman nya na sobrang tamis. Lagi nang kaakibat ang sermon, lalanggamin ihi mo nyan, mapuputol ang paa mo pag nagkadiabetes ka sa sobrang tamis mo magkape. Hay, si mama talaga, nakakatakot maputulan ng paa dahil sa diabetes… pero bakit kaya ganun ang adik na…

Mabuti daw ang kape, pero hindi yung refined na at walang asukal. Hindi ko maimagine ang uminom ng kape na sobrang pait! Para bang hindi matatanggap ng sikmura ko. Ang natutunan ko kay lolo ang panlasa nasa bibig lang, pag lampas nyan sa dila, lahat nga pagkain parepareho nalang. Kalimitan din daw sa masarap sa panlasa lason sa katawan.

Titser na ako sa ngayon… kasama ko parin ang kape sa sistema ko… sa paggawa ng lesson plan, paggawa ng test questions at visual aids. Minsan kahit wala namang ginagawa, kahit bakasyon nagkakape parin. May rehab ba para sa mga adik sa kape? Wala pa naman akong alam sa ngayon. Parte na ata ng buhay ko ang kape…