Pages

02 December 2011

ang istorya ng PISO...


News. 
[Thursday. 01.12.2011]


The Philippines set a new world record yesterday for the longest line of single-denominated coin, creating 73.02-kilometer line of 25 centavo coins, beating the current Guinnes World Record of 64.88 km held by a community in Fort Scott, Kansas in the year 2008. The previous record of 55.63 km had been set in Malaysia last 1995. At least 3 classrooms could be constructed from the proceeds of the initial 70-kilometer stretch of 25-centavo coins.




Kung PISO kaya?


PISO, Noon at Ngayon
Sa isang piso may apat na 25 centavos... may halaga pa kaya?




PISO, noon at ngayon...
dalawang dekada na akong mulat sa mundo...
ilang mukha na rin ng PISO ang inabutan ko...
maraming nagbago sa anyo at disenyo nito...
habang tumatagal kumukonti ang nabibili nito...


-------wow!-------


ang totoo nyan ayoko ng gumawa ng tula, wala naman kasi akong alam... baka anu lang ang masabi ng mga eksperto diyan... napagkatuwaan ko lang naman ang ilang piso na nakatago sa bahay, bakit ba ako meron nito? naalala ko pina-project pala to samen dati nung high school ako...


nakakatuwa... ilang PISO na rin pala ang dumaan sa kamay ko... nakakatakot din, matanda na pala ako, hindi ko alam kung nagkahalaga ba ang mga PISO na ito sa buhay ko... buti nalang hindi pa napapatalsik si J.Rizal sa PISO... sa panahon ngaun, andaming nagbabago... pati ugali ng kapitbahay, madalas magbago... ung kalabaw nga sa likod ng PISO napatalsik na... baka ilang panahon, dagang costa na ang nakalagay dyan, o kaya ung paboritong bulldog na alaga ng mayayaman ngayon...


kung hindi ako nagkakamali, PISO ang baon ko noong Grade I pa ako... palibhasa probinsiya... hindi ko naman kailangang magbayad ng pamasahe... hinahatid at sinusundo kasi ako ng lolo ko... [ang swit no?] ilang junk foods na rin ang nabibili nito... ang mga kaklase ko noon na medyo may kaya, limang piso ang baon nila...


kataka-taka... habang tumatagal... lumiliit ang PISO... umaangal na nga ang matatanda.. hindi na kasi nila makita... kasabay ng pagkawala ng halaga ng PISO... sinasalamin ba nito ang pamumuhay ng tao? habang tumatagal... nagiging walang kwenta...?




Sources:
abs-cbnnews.com/business/12/01/11/ph-sets-new-record-longest-line-coins
philstar.com/Article.aspx?publicationSubCategoryId=63&articleId=754139

2 comments:

  1. eh kung perang papel kaya? hehehe

    wow! nice achievement to!

    ReplyDelete
  2. nakakarelate ako dito. ganun pala pag tumatanda na.

    ReplyDelete