Pages

03 May 2013

Teacher's Phobia?

Image Source: iamzennia.files.wordpress.com/2011/03/p1171397.jpg
Observation Teaching - ito ang phobia ng mga teacher.

Sinong teacher ba ang gustong laging may nag-o-observe sa kanyang classroom

Sa maniwala kayo't sa hindi, kahit matatagal ng titser, kinakabahan pa rin pag may napapabalitang observation teaching. Noong bago pa kasi ako sa pagtuturo, iniisip ko na pag tumagal na ako sa pagtuturo, hindi na ako kakabahan pag may observation teaching. Mali pala. Ang tawag ata dito ng mga Psychologist at 'stage fright.'

Kung hindi ko pa alam, may isang pag-aaral na nagsasabing ang observation teaching ay walang nagagawa sa achievement ng mga bata. Well, I have nothing against observation teaching - pero minsan against talaga ako ha ha ha ha ha. In one way or another, gauge din ito ng mga administrator natin para malaman kung ano ang gusto nilang malaman na hanggang ngayon hindi pa rin nila nalalaman.

Kung tutuusin may mga advantages at disadvantages talaga ito, sa part ng mga administrator at lalo na sa part ng teacher at mga bata. Gusto ko muna maging light ang blog ko ngayon, kaya nangalap ako ng mga kwentong atin - kwentong makatotohanan na may kinalaman sa observation teaching...

******* ******* *******

Isang disadvantage kapag ang observer mo terror... Na sasabunin ka ng walang banlawan kapag palpak ang na-observe nya.

May nabalitaan akong ganito dati. Nag time-in na siya. Ang aga-aga nya pa pumasok. Nung mabalitaan nyang io-observe siya, nag time-out ulit. Masama daw pakiramdam.

******* ******* *******

Eto sa isang Physics Class. Ang observer ay hindi Physics Major.

Usually ang observer, sa likod naman umuupo. So si Physics teacher ay todo discuss sa harap. Nung nagpa-activity na siya na related sa itinuro nya may isang bata na naguguluhan sa activity kaya tumayo at nagtanong sa observer.

Eh hindi rin ata naintindihan ng observer ang lesson kaya ang sabi niya sa bata; 'Dun ka magtanong sa harap, hindi ako ang teacher mo.'

******* ******* *******
Eto naman sa Principal's Office, isang post-con after ng observation teaching.

Principal: (Sermon) ...wala akong naintindihan sa lesson mo... Hindi ka marunong magturo.

Teacher: Ma'am naintindihan po ng mga estudyante ko ang lesson na inobserve mo kanina. Sa katunayan halos lahat sila perfect sa test.

******* ******* *******
Eto naman isang alamat lang na gawa-gawa ng mga kinakabahang ma-observe. Don't do this at school.

Si teacher kinuntsaba daw ang mga bagets... kaya during the observation may isang bata na nagtaas ng kamay. 

'Sir!'

'Yes, ano yun hijo?'

'Kanina po kasi may nakita kaming parang granada na hinagis dito sa loob ng school... hindi po namin alam kung gagana pa o hindi na.'

'Ha! San nyu nakita? Bakit hindi nyu sinabi agad sa akin? San nyu nilagay?'

'Dun ko po nilagay sa ilalim ng upuan ni ma'am na nag-oobserve!'

******* ******* *******

Personally, naniniwala akong minsan kailangan din ng observation at demonstration teaching. Part siguro ito ng administration ng school para mamonitor ang gusto nilang makita. So far in my experience, wala pa naman akong negative na nai-encounter about dito. Nagpapasalamat pa nga ako dun sa mga observer namen na kahit sa tingin mo palpak ang ginawa mo, may nakikita pa rin silang positive. Nakaka-boost sila ng confidence. 

Gusto ko rin ang demonstration teaching kasi part ito ng sharing ng mga bagong paraan ng pagtuturo at exchange of ideas from different teachers teaching different levels of students. 

May advantages meron ding disadvantages, hindi ba mas maganda if we meet halfway?


Image Source: 
iamzennia.files.wordpress.com/2011/03/p1171397.jpg 

2 comments:

  1. Ang kulit ng granada! Hahahaha!
    I think you have nothing to be scared of pagdating sa demonstration teaching. Everyone knows you know what you are talking about and your students love you! Keep it up!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks po:) Salamat sa comment at sa pagvisit!

      Delete