Pages

19 July 2013

ang alamat ng USB, 'Aklat ng Buhay' at Clouds...

Guest Post:

Mahirap magdisclose ng mga bagay bagay tungkol sa nakaraan. 

Una kasi, madaling nati-trace ang edad mo. Pangalawa, karamihan sa new generation hindi na rin maka-relate. Pero minsan okay din balikan ang nakaraan. Madami kang matututunan, tsaka minsan, lalo mong naa-appreciate ang kasalukuyan dahil sa nakaraan.

Naisip kong i-blog ito dahil sa previous post dito ni J.Freigh about sa Problems with Storage? Store it in the CLOUDS!


floppy disc
Naalala ko pa nung hayskul ako, hindi pa ganun kasikat ang computer gaya ngayon. Hindi pa rin ganun kadaming computer shop noon at kung meron man, asahan mo na medyo mahal pa ang renta. Maswerte ako kasi nasa higher section ako noon... may Computer Class kami.

Third year high school ako nung maencounter ko ung kauna-unahang storage device na alam ko... eto ung FLOPPY DISC. Ginamit namen to sa klase at sa pagkakatanda ko, mejo sensitive to. Dapat wag mong mahawakan ung kulay brown na nasa loob.

Magaling ang mga Computer Teacher namen noon. Nagsisisi nga ako ngayon bat hindi ako nakinig sa kanila. Naaalala ko pa nung tinuruan kaming magtype na sa monitor dapat nakatingin, at bawal tumingin sa keyboard. Kaya lang habang nag-iikot si teacher, pag nakatalikod siya at malayo sa amin... nandadaya kami at biglang titingin sa keyboard para mabilis na makapagtype (medyo bad, hindi tuloy ako natutong magtype ng mabilis na hindi nakatingin sa keyboard).

diskette
Sa hayskul ko din na-encounter ang DISKETTE. Kumpara sa floppy disc, mas maliit ito nang konti at mejo makapal. May iba't ibang kulay narin eto at mas malaki na ang pwedeng i-save na file. Mabilis na na-phase out ang floppy disc nung time namen, kaya mas familiar ako dito sa diskette.Nung nagkolehiyo ako eto parin ang uso hanggang makagraduate ako. Sensitive din ito kagaya nung una.

Naalala ko pa nga nung first year college kami nung pinaproject samen ung aming 'Aklat ng Buhay.' Pinagawa kami ng autobiography simula nung magkakilala ung mga magulang hanggang sa kamatayan namen... (imagine kung ganu kahaba un). Nag-enjoy naman ako kakagawa, matagal na sulatan ng draft, then pupunta sa computer shop para i-type at isi-save sa diskette pagkatapos. Halos ilang araw ko din ginawa un, tapos nung ipiprint ko na, ayun sira na ang diskette at hindi na ma-read. Saklap ng buhay. Isasubmit pa naman yun kinabukasan. Buti nalang hindi ko naitapon ang mga scratch paper ko... kaya nirush kong i-type lahat, simula nung magkakilala ang mga magulang ko hanggang sa kamatayan ko... Binawasan ko na ung storya, tinanggal ko na ung ilang mga palabok... pati buhay ko binawasan ko narin para matapos ko lang ang project kong 'Aklat ng Buhay.' Sa sobrang inis ko sa pagkawala ng file ko, naisip ko pa ngang idagdag sa kwento na ang ikinamatay ko ay ang paggawa ng 'Aklat ng Buhay' kaya lang baka basahin ng Prof at magalit saken...

Matindi rin ang karanasan ko dito sa diskette na to. Kung hindi ako nagkakamali, pati research paper ko nasira din dahil sa diskette. Simula sa trahedyang nangyari sa paggawa ng "Aklat ng Buhay' natutunan kong magsave ng file sa e-mail account. Nagko-compose ako dati ng e-mail, then ise-send ko sa sarili kong e-mail add. Simula nun, naging safe ang mga files ko. Nung makagraduate ako at maging teacher na, ganun parin ang habit ko. Pag may tinype isi-send sa email. Kaya yung mga una kong Lesson Plan at mga test papers nasa email ko.

flash drive
Graduate na ako sa kolehiyo nung lumabas ang FLASH DRIVE (a.k.a. USB). Nauso din ang maraming VIRUS. Hindi na ako affected kasi may back-up na ako sa e-mail ko. Kaya lang may mga instances parin na nauunahan ako ng Virus (ang buhay nga naman).

Okay narin ang USB. Mas maliit na at mas malaki pa ang pwedeng mai-SAVE na file.

Hindi ako aware sa cloud storage, kahit na nagsi-save ako sa e-mail ko ng files. Salamat sa isang malapit na tao na nag-refer saken ng Skydrive. Kaya mula noon... hehehe natuto na akong gumamit ng Cloud Storage.

Maraming mga importanteng files sa isang teacher. Actually lahat ng ginagawa mong Lesson Plan, Teaching Materials, Visual Aids, mga Forms, Exams at iba pang files parang investment mo na iniipon mo every year na masasayang lang kung masisira or maba-virus ang storage mo.

Kagaya nalang ng mga pictures, noong uso pa ang film, kelangang ipa-develop ang picture at iniingatan naten sa mga photo album... ngaung nauso na ang digital camera, at hindi na uso ang pagpapaprint ng picture, pwede pa rin namang i-preserve ang mga memories mo na naka-embed sa mga pictures... ang isang alam kong best way is to save it on the CLOUDS!!!


No comments:

Post a Comment