Pages

17 March 2016

Moving Up and Moving On... [Sir Jaytee's Message]

Moving-Up? Yan ba yung dating Graduation? Ito ang pangkaraniwang tanong ng mga 1st batch Junior High na magmo-Moving Up ngayon.

Image Courtesy: This image belongs to the rightful owner 
and is not owned by the blogger.
Hindi ko alam. Iniisip ko rin kung ano ang pagkakaiba. May naririning na akong Moving Up Ceremony sa Kinder pero dahil nakasanayan na natin sa 4th year High ang Graduation, medyo nakakapanibago. Naisip ko nga minsan na dahil hindi na Graduation ang tawag, baka palitan na rin ang Graduation March ng "I like to move it, move it....."

Ayokong palampasin ang unang batch na ito na wala akong iiwanang mensahe. Pero dahil may diversity of learners tayo sa klasrum, specific ang mensahe ko sa inyo.

Kay Fanatic
Natutuwa ako at may estudyante akong gaya mo na attentive na nakikinig sa mga sinasabi at pinapaliwanag ko. Isa ka sa mga dahilan kung bakit gusto ko pa magturo. Namo-motivate ako sa mga side comments mong, "Ah, yun pala yun...", "Ang galing naman!". Minsan nga pakiramdam ko, gusto mo pa mag-standing ovation. Naniniwala ako na talagang naiintindihan mo ang lesson (sana). At dahil ayoko madisappoint ang sarili ko, iniiwasan kitang tawagin sa recitation, baka mamaya di mo masagot ang tanong ko at magbago pa ang tingin ko sayo. Iniisip kong magtatagumpay ka balang araw. magaling ka sa pakikisama at ayaw mong nakakasama ka ng loob ng iba.

Kay GC-Mode
Pinakamahalaga sayo ang pag-aaral kaysa sa ibang bagay. Minsan nga pati kaibigan mo nakakagalit mo sa sobrang ka-GC-han mo. Isa ka rin sa mga asset ko sa klase dahil ikaw ang batayan ko na naiintindihan ang lesson natin. Naniniwala akong malinaw sayo ang goal mo sa buhay at lagi kang nasa focus. Gusto ko yung seryoso mong pag-jot down ng notes habang nagdi-discuss ako. Pakiramdam ko, pati mga paliwanang ko sinusulat mo din gaya ng isang stenographer. Naniniwala pa rin ako sa maliwanag na kinabukasan dahil sa yo.

Kay Madlang People

Alam mo, di ko alam kong ayaw mo ba sa akin or gusto mo lang low profile ka. Sa katunayan, matatapos na ang School Year di ko parin matandaan ang pangalan mo. Siguro naiintindihan mo naman ang lesson pero ayaw mo lang maging bida-bida gaya ni Fanatic kaya tahimik ka lang. Hindi ka rin nakakatingin ng deretso kasi gusto mo nakikinig ka lang at ayaw mo na matawag sa recitation. Marunong kang sumunod at mas gusto mo na ako ang nasa harap kaysa kayo ang nasa harap ng klase.

Kay Panic Button

Gusto kong ulit-ulitin sayo na "Cool ka lang, kaya mo yan!" Kaya lang pag sinasabi ko ang oras bigla-bigla ka nalang nagpa-panic. Lalong hindi mo matatapos ang ginagawa mo sa kakapanic mo. Sa kabilang banda natutuwa ako dahil pinapahalagahan mo at binibigyang atensyon ang pinapagawa ko. Wag kang mag-alala, pagdating na araw marerealize mo ang halaga ng mga naituro ko sa iyo.

Kay Cool Guy
Hindi ko alam pero gusto ko nang maniwala na nung nagsabog ang langit ng oras sa mundo, ang nasalo naming lahat ay 24 hours pero sayo ay 26 hours. Hindi kita nakitaan ng sense of urgency kahit sinabi kong deadline na ng project nyu. Narinig mo na ang bell pero naglalakad ka pa rin na parang turista. Kailangan ko pang tumakbo at ipakita sa'yo na nagmamadali akong pumasok para magmadali ka din. Naniniwala ka sa 'Mind over Matter' kaya naman di ka affected ng stress.

Kay Peymus
Sikat ka sa campus lalo na sa FB. Kilala ka ng mga kabatch mo at kilala ka rin ng mga lower batch sayo. Dahil sa kasikatan mo, isa kang magandang role model. Gusto kang gayahin ng mga tumatawag sa'yo nang 'Ate' o 'Kuya'. Peymus ka dahil may posisyon ka sa isang organization sa school o lagi kang nananalo sa contest o dahil feeling artista ka dahil alam mong maganda o pogi ka. Natutuwa ako dahil alam mo pano dalhin ang sarili mo na nakatapak pa rin ang paa mo sa lupa. Naniniwala akong maraming mabuting katangian na pwedeng gayahin sayo bilang isang role model. Malamang ay naging inspirasyon ka rin ng ilan sa mga nakapaligid sa iyo.

Kay Ligaya
Madaling matuto sa masayang klase, diba? Minsan dahil sa mga komplikadong lesson nagiging seryoso tayo pero dahil sayo at sa mga nasa timing na mga jokes mo, lalong nagiging masaya ang klase. Parang kulang ang araw na di ka maririning ng klase. Kinalimutan ko na yung mga pagkakataong wala sa timing ang mga Jokes mo... 

Kay Pabebebebebebe
Bakit ganun, di naman tayo nag PE pero pagkatapos ng discussion, routine mo na ang pagtingin sa maliit mong salamin at paglalagay ng powder sa mukha mo? Siguro conscious ka lang sa mukha mo. Mas maganda sana kung ga'no ka kadalas mag-powder o tumingin sa salamin, ganun ka rin kadalas magrecite at magparticipate sa klase. Wag ka mag-alala, di mo naman kailangang i-check lagi ang mukha mo sa salamin dahil kung ano ang hugis at itsura nyan nung umalis ka sa bahay nyu eh ganun pa rin naman yan habang nagkaklase tayo. Siguro masyado ka lang over protective sa mga bagay na pinahahalagahan mo. 

Kay Hashtag
Hindi ka gaya ng mga artista na nagtatago sa press para maenjoy ang pribadong buhay nila... dahil isa kang bukas na aklat sa mga nakapaligid sa'yo. Konting galaw, nakapost na agad sa FB... 'Eating atm', 'sitting atm', 'walking atm', 'Sleeping atm', Pati feelings mo nakapost na rin sa FB... 'Feeling irritated', 'feeling alone', 'feeling loved', 'feeling maganda', 'feeling lonely'. Sa kabilang banda okay din dahil mindful ka sa mga nangyayari sa sarili mo pero mas maganda sana kung binabalanse mo yan sa privacy at security mo. Ang FB ay gaya ng Quiapo - malawak at madaming tao na nakamasid, na karamihan di mo kilala at di mo alam kung ano ang nasa isip.

Kay Bebeluv
Hindi ako kontrabida sa love story mo pero kung napapansin mo nire-remind kita lagi sa mga dapat mong i-prioritize sa buhay dahil bata ka pa. Lagi kong tinatanong sayo kung legal ba kayo o kung alam ba yan ng mga magulang ninyo. Okay naman na may inspirasyon ka sa pag-aaral mo, iba syempre ang pakiramdam ng nagmamahal Ayieeee... Naniniwala ka sa #mayforever pero pwede pang magbago ang lahat lalo na pag nasa kolehiyo ka na. Too much of everything is too much(???), iba pa rin pag marunong kang bumalanse.


Image Courtesy: This image belongs to the rightful owner 
and is not owned by the blogger.
Sa totoong buhay ang mga nabanggit ko sa itaas ay di talaga nage-exist as is. Ang pagkatao ninyo ay hindi ko kilala at maari ko lang i-describe kung ano ang nakita ko o naramdaman ko. Maaaring kombinasyon kayo ng dalawa o higit pa sa mga nabanggit ko. Gusto kong maintindihan nyo na pwede kayong mabuhay ng iba sa pagkakakilala ng iba. Wag nyung ikahon ang sarili nyo na ganito o ganyan ka, dahil yan ang pagkakakilala nila sa'yo. Napakaraming posibilidad na nasa inyo. Try to make a difference


Image Courtesy: This image belongs to the rightful owner 
and is not owned by the blogger.

Nasa inyo ang potensyal na maging successful sa buhay. Ang totoo, lahat ng pinagdaanan nyu, mapapositibo man o negatibo, masaya man o malungkot, parte pa rin yan ng pagkatuto mo. Dapat malinaw sa isip mo ang goal mo sa buhay. Anuman ang masalunga mo dapat focus ka sa tinatanaw mong goal. Mas masarap na makamit ang pangarap mo dahil alam mong pinaghirapan mo yun. 


Image Courtesy: This image belongs to the rightful owner 
and is not owned by the blogger.

Naging student din ako at  sa paniniwala ko, hanggang ngaun student pa rin ako. Sa halos 10 months na puro pagod dahil sa mga assignments, tests, practices, projects, school requirements, dagdag mo pa ang Research - nakakapagod to the 23rd power! Mahirap, minsan pati parents naten hindi tayo naiintindihan. Sa bahay nagagalit sila kasi halos wala na tayong maitulong dahil halos maubos na ang buhay natin sa harap ng computer. Tapos minsan pag ginagabi ng uwi, nagagalit din eh sinasabi mo naman na galing ka sa practice, na hinaluan ng konting gala at date (xempre secret na un hehehehe). Pag maaga ka naman umuwi nagagalit din, baka daw nag cutting classes ka. Pero kahit minsan hindi tayo nila maintindihan, luv natin sila, dahil hindi sila nagsasawang bigyan tayo ng baon. Well, seriously, we love them kasi ramdam naten na they love and care for us. Sa mga PARENTS, THANK YOU PO sa inyo!

 Sa mga naging titser ninyo, may mga pagkakataong sumasama ang loob nyu sa kanila dahil nahuli kayong nangopya, maingay, mahaba ang buhok (sa lalaki), natutulog sa klase, etc. etc. pero may dahilan kayo bakit ganun. Hindi ninyo masabe dahil minsan nauna nang nagalit... pero alam naten na limited din ang capacity nila, marahil expert sila sa lessons ninyo, pero the fact still remains na hindi nila alam ang buong detalye ng buhay ninyo. Naging part sila ng development ninyo at nagmamalasakit sila para sa inyo. THANK YOU PO MA'AM AT SIR!

          Sa loob ng sampung buwan, hindi mo alam kung makakasurvive ka. Andaming mga hadlang. Ang mahalaga ay hindi kayo sumuko o umatras sa laban. Minsan bumabagsak, pero nagsisikap na makabawi at makabangon para matapos ang laban. Ngaun? Alam na naten na nakasurvive kayo! After all those tests and hindrances, at last you are now completers! Gaya ng isang bida sa pelikula na nagpapabugbog muna pero sa huli siya parin ang bida at hindi nawawalan ng source ng lakas at determination. We acknowledge the source of everything in us... Alam naten na WE DIDN'T DO IT IN OUR OWN WAY! Sa lahat ng bagay, THANKS BE TO GOD!
           
          Gaya rin ng Diwata I, na kauna-unahang satellite ng Pilipinas na ipinadala sa outer space na pinondohan ng gobyerno dahil sa tinatayang malaking ambag nito sa weather forecasting at iba pang aspeto na katulad nito... Kayo rin ang kauna-unahang batch ng Junior High School na sasabak sa SHS. Kayo ang magiging bunga ng bagong curriculum at nasa inyo ang lahat ng potensyal upang makamit ang mga pangarap ninyo. Isa itong malaking hamon sa pagharap ninyo sa inyong kinabukasan.


          To all my students, I thank God for giving me an opportunity to be a part of your life. I will surely miss you guys!


          Congratulations to the 1st Batch of Junior High School Completers!

Dedicated to 1,963 Junior High School Completers of PNHS-Main specially to #jepoybabies #X2Catanians #X5paraSaEkonomiya #XASiklab & #XB on March 29, 2016, 7:00 AM @ PNHS-Main Quadrangle.

12 comments:

  1. Siiirrr nakaktats namn to sir :'c mamismiss ka rin namin sirr isa ka po sa mga teacherna napaka cool mag turo yyng tipong hindi mawawala yung mga punch line at jokes mo sir sa bawat lesson youre a good and cheerful teacher sir Pol �� salamat sa message nyo samin sir

    -Frixiion

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Frix! Congrats sa pagiging Top 2 mo sa klase. Goodluck sa SH mo. Wag kalimutang bumalik sa alma mater mo pag successful kana sa buhay.

      Delete
  2. Sir thank you po sa lahat ���� ma mimis ko po kayo. Goodluck po sa magiging estudyante nyo next SY

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Nicole! Goodluck sa SH mo at wag mo ako kakalimutan pag isa ka nang sikat na player!

      Delete
  3. Thankaluu sa Message sir hahahaha. Feeling ko talaga wala ako dun sa mga sinabi mo eh hahahaha.. dun nalang siguro ako sa Walang Pake haha . Thank you sa mga turo mo sir na sa totoo lang hanggang roomko lang talaga dinadala dahil sa katamaran ko hahaha. Wala natalaga akong futurehaha. Joke. Sana magcontinue yung ganyang way mo ngpagtuturo sir na wala ka pang ginagawang pagpapatawa natatawa na kami hahaha. Kahit feeling ko ako talaga pinakabobo sa Science sa room haha wala pa rin akong pake haha. Yung physics lang ata ako nagkapake hahahaha.. thank you sir. Dadalhin ko yang lessons mo sa SHS hahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow, favorite mo pala ang Physics... goodluck sa SHS mo, sana makilala ko kung sino to.

      Delete
  4. As an aspiring writer, I would like to grasp this opportunity to gratify you, Sir Jeffrey for broadening, increasing, and evaluating not just my skills but also the skills of my companions as well. We are very lucky to be your constituents under your control. You proved to us that learning isn't memorizing with the mind, but understanding with the heart. As my tears cautiously rolls down my cheek, we will never forget about you too, Sir Policarpio. That we recognized that learning is not complete without "ear" and will never be completed without "earning".

    P.S. This is Joshua Galindez, Sir Jeffrey Policarpio.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you very much Joshua! Goodluck sa Senior High School mo!

      Delete
  5. Hi sir! Danna Marika Ong here, hanep sir relate na relate xD Anyway, thank you po sa lahat xD sorry po sa notebook kong medyo kulang kulang ang notes (hehe). Thank you pa sa pagtitiyaga na turuan kami kahit minsan ayaw po naming sumunod or sobrang ingay po namin na hindi na po tayo magkarinigan. Masasabi ko po na sa science po ako mas magaling, wag lang pong isama ang physics na may math, kaya thank you po na tinuruan niyo ako :3 Thank you po kasi kahit papaano, di ko po alam kung sinasadya niyo o ano, pero madalas po ninyong tinatanggal ang pressure sa classroom pag mahirap ang lesson sa MEDYO corny niyong mga jokes (peace po xD). Tapos po ang cute po ng mga gestures niyo (haha seryoso po xD) pag nagtatampo po kayo ang cute din po ninyo (ahhaha minsan po unexpected yung susunod niyong gagawin,like biglang dudukmo sa table xD), minsan po pag nakatayo kayo sa harapan, d ko po alam kung natatawa kayo o ano. Pag galit po kayo minsan hindi halata xD ang cute po ng haircut niyo xD Di ko po makakalimutan ang lahat ng yan, lalo na po nung unang beses na pinagyabang niyo sa amin yung laser niyo na ginagamit niyo po pagnakaprojector tayo xD hahaha Gusto ko lang pong sabihin na... kami rin po, ramdam ko sa mga kaklase ko, nagpapasalamat po kaming dumating kayo sa buhay namin. Nagpapasalamat po kaming nagkaroon kami ng pagkakataon na makasalamuha po kayo. At yes po, sure na sure po na in the near future magagamit po namin lahat ng itinuro niyo. Actually ginagamit po namin ng kapatid ko , yung about sa pressure, gravity etc xD sa lahat po ng bagay na nakikita namin (feeling magaling po kami xD). Marami pa po akong gustong sabihin xD pinaikli ko lang po yan xD

    Pero ang pinakamaikli pong version niyan is... THANK YOU, SIR.

    Mamimiss po namin kayo. Hindi pa po ito ang GOODBYE, so SEE YOU LATER po muna,dahil someday magkikita kita pa po tayo :) That's for sure.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow! Salamat Danna sa isang napakagandang mensahe! Goodluck sa Senior High School at sa future endeavors mo.

      Delete
  6. Hi sir. Nabasa ko po yung message niyo para samin and iba po yung naramdaman ko. Gusto ko pong magpasalamat sir kasi kayo po adviser namin. Kasi ang cool niyo pong adviser compare po sa ibang section. Sorry sir kung lagi po akong late. Minsan nga sir iniisip ko na ayaw niyo sakin. Kasi if susuriin isa ako dun sa mga may kaMU sir eh ang bata ko pa po. Tapos ang daldal ko pa sir. Tapos hindi pa po ko nag aaral ng maayos kaya minsan sir nadodown po talaga ako kasi feel napaka worthless ko po kasi minsan sir hindi niyo ko napapansin pag nagtatanong po ako. Pero okay lang yun sir. Invisible po ata talaga ako minsan na miski sa bahay hindi napapansin. Tapos naiisip ko po na baka feeling niyo puro lang po ako lande ganon. 😢 Sir ipapangako ko po sa inyo na makakapagtapos po ako at hindi po namin sisirain ni rap yung buhay namin dahil po sa love na yan! 😞 Sana sir hindi niyo ko makalimutan. Babalikan kita sir na may maipagmamalaki na ako sainyo. 💜 Kayo po talaga sir yung adviser na nakapag parealize sa akin ng maraming bagay. Di man po GC. May mga natutunan naman po ako sainyo. Happy Go Lucky lang po kasi talaga ako, ayoko pong istress yung sarili ko sa pag aaral. Sorry po sir. Ingat kayo lagi sirrr. Sana marami pa po kayong mga estudyante na mapatawa at maturuan hindi lang po academically kundi sa pag uugali din po. 😁 Sorry po talaga sir kung pasaway ako 😂
    P.s sir sana po matuloy swimming 💜

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat din Trish! build your self-esteem and self-confidence... matalino ka naman eh, kaya ka nga nasa section 1. Know your priorities and set your goal.

      Goodluck sa Senior High School mo.

      Delete