23 May 2011

plus 7 for effective teaching

[Don't be mislead about the title. This blog has nothing to do about effective teaching.]

Meron nalang halos 2 linggo, pasukan na. Kahit ilang taon kana sa pagtuturo, iba pa rin talaga ang pakiramdam ng First Day of Class. Andami mong naiisip...

Nilista ko ang ilang mga bagay na sa tingin ko mahalaga sa propesyon ko pero pwede namang wala. Kahit hindi ko sabay-sabay na nabili, nagamit ko naman ang mga ito... pero gaya ng sabi ko, pwede ring wala.

1. LAPIS (Mechanical Pencil)
College pa ako ginagamit ko na to, kaya memorable saken ang lapis na to. Mas ginagamit ko ang lapis kasi ayoko ng maraming bura at ayoko gumamit ng liquid paper.
[The only constant in this world is CHANGE.]

 
2. PLANNER
Pang-pitong taon ko na ngayon ang paggamit ng planner. Nararamdaman ko rin kasi na kahit hindi pa lagpas sa kalendaryo ang edad ko dumadami narin ang nakakalimutan ko.
[Bright ideas comes at a very unexpected moments. -Prof. A.V.O.]




3. CHALK HOLDER
Una kong nagamit to nung nag-intern (student-teacher) ako. Nakita ko to sa Math Teacher namen nung 2nd-year high school palang ako. Curios lang ako at that time... naisip ko kasi na: 'siguro cool gamitin yan, ang ganda kasi ng sulat ni Ma'am.' Nagamit ko rin ito nung nag-demo teaching ako sa isang Private Elementary School na nirekomenda ng isang kaibigan na pasukan ko. Guess what, after ng demo teaching ko, wala silang ibang tinanong kundi kung saan ko daw nabili yung ginamit kong chalk holder.
[Always leave a mark...]

4. POINTER
Hindi ko na maalala kung kelan ito iniregalo saken pero nagamit ko to nung first year of teaching ko. May laser pointer, may antenna at may ballpen... 3-in-1 na pointer, mas may class kaysa meter stick. Meron nito sa 168 Mall sa Divi.
[When you have an important point to make, don't try to be subtle or clever. Use a pile driver. Hit the point once. Then come back and hit it again. Then hit it a third time - a tremendous whack. -W. Churchill ]


5. COMPUTER
Second year of teaching ko lang ng makabili ako ng sariling computer sa bahay. Napakaraming gamit nito sa teacher - lesson planning, computation of grades, research work, preparation of teaching materials... etc.
[Necessity is the mother of....... computer]
6. PORTABLE AMPLIFIER (with lapel)
Una ko tong nakita sa mga lecturer sa UP-NISMED. Nagamit ko to simula nung 3rd year of teaching ko, after ko na ma-realize na sobrang nakakapagod pala ang magturo ng dere-deretso at recess lang ang pahinga. Kahit walang outlet sa klasrum, pwede mo parin to magamit kasi rechargeable naman. Minsan kahit ganu kalakas ang boses mo, kung medyo maingay na at malaki ang klase, nasasapawan ang boses mo. Pwedeng mabili to sa Quiapo.
[Better heard, than presumed to be heard... ]

7. DIGICAM
Totoong wala namang yumayaman sa pagtuturo, pero napakayaman naten sa mga good memories at experiences, it is important to capture that particular moments. There are things that cannot be fully described by words however eloquent you are... but picture does.
[Picture paints a thousand words...]


As what I've mentioned above, you can teach even without these accessories. You can also be equally effective even without these materials. But as time goes and as you mature in the teaching arena you gain some 'add-ons' that you consider important to your teaching profession. Being effective is always dependent to you as a teacher, these are just (as I call it) 'add-ons' that may enhance in one way or another your way of teaching.

Goodluck and God Bless to all of us for S.Y. 2011-2012!


Image Source:
demo.templateplazza.net thru Google Images, Retrieved 23 May 2011. (Computer Image)

1 comment: