Ano ang gagawin mo kung nanalo ka ng Php 650,000.00?
Setting
Hindi ko na maalala kung kailan to nangyari… pero ang maliwanang na nasa isip ko ay hindi pa ganun ka-sikat ang paggamit ng cell phone (CP). A fearless guess siguro would be less than 40% palang ng population ng Pilipinas ang gumagamit ng CP noon…
Fairy Tale
Nakatanggap ako ng text message na ganito…
Summer break noon. Wala si Ermat at si Ianda (bunso kong kapatid), nasa probinsiya para magbakasyon… Kami lang ni Jen ang tao sa bahay. Mahirap lang kami… (pero masaya naman hehehehehe).
Tuwang tuwa ako nung mga oras na ‘yon. Pati si Jen ng makita ang text message. Within 15 minutes nakapagcome-up kami ng isang mahabang listahan kung pano madidespatsa ung 650K. Nasa baba ang listahan na naggawa namen…
Reality
Kahit wala akong pera nakapagload ako that time para makatawag sa kanila… May sumagot sa kabilang linya; “Heto na siya….!” (may nagpapalakpakan akong narinig after).
May mga tanong siya, ano daw propesyon at work ko, sinabi ko naman na ako’y engineer… Tinatanong nya rin kung meron daw akong bank account, dahil malaki daw ang napanalunan ko kaya dun nalang daw idedeposito ang pera, sabi ko naman wala… kaya walang choice kundi ako mismo ang magclaim ng prize.
Eto na… para ma-validate daw ang prize ko kailangan kong bumili ng tatlong prepaid cards (load) ng Smart or Globe na worth Php 300.00. Sinabi nya na hindi daw involve ang Smart at Globe sa raffle na to, kailangan lang daw ang load para ma-validate ang prize (may emphasis na sinabi nya un). Kailangan ko daw na i-send ang code at pin ng 3 prepaid cards na nabili ko sa kanila. Natapos ang usapan namen at unti-unti ring gumuho ang napakataas nameng listahan ng mga pangarap…
Life Lessons
*wala lang :)
J Freigh
Lesson learned: Wag mag isip ng totoong matayog...
ReplyDelete...sabi nila ung pera na hindi pinaghirapan, mabilis mawala... very similar eto although ni ndi man lang napasakamay ko...
ReplyDeleteolila
ReplyDeleteThere are various gifts to the utilization of non-public APNs, regularly around security. Gadgets on a custom, non-public APN community can most viably be gotten to thru the community they're modified to urge affirmation to. There isn't any manner for a person to put through together with your IoT contraptions without moreover picking up get to your APN community. IoT SIM
ReplyDelete