08 August 2013

Puna sa Report Card (F138)

Kapakipakinabang na mga Puna na Maaaring Ilapat sa Kard ng mga Mag-aaral sa Mataas na Paaralan

A. Magandang Simula
Maganda ang ipinakitang simula. Ipagpatuloy ito.
May kakayahang lalo pang mapataas ang mga marka.
Malaki ang pagkakataong mapaunlad at mapataas pa ang mga marka.
May kakayahan sa paggawa. Ginagampanan ang mga tungkuling nakaatang sa kanya.
Kinakitaan ng sigla sa mga gawain
Nagpakita ng mahusay at kasiya-siyang panimula. Ipagpatuloy ito.
Kinakitaan ng pagsisikap sa pag-aaral.
May natatagong talino. Gamitin ito ng husto.
Panatilihin ang magandang gawi sa pag-aaral.
Ipagpatuloy ang mabuting pag-aaral at panatilihin ang magandang pag-uugali.
Laging nagpupunyaging paunlarin ang kakayahan. Panatilihin ito.
Nagpakita ng kasipagan sa kanyang pag-aaral. Ipagpatuloy ito.

B. Pag-aaral/Akademiks
Napapanatili ang kasipagan sa pag-aaral.
Nagpamalas ng kawilihan sa pag-aaral.
May tiyaga sa mga gawain. / Kinakitaan ng tiyaga sa mga gawain.
May mabuting gawi sa pag-aaral.
Madaling makasunod at masidhi ang hangaring matuto.
Kanais-nais ang magandang gawi sa pag-aaral.
Kalugod-lugod ang ugali at gawi sa pag-aaral.
May angking kakayahan at laging pinagbubuti ang mga gawain.
Nagsisikap mapabuti ang pag-aaral/ maunawaan ang mga aralin
May kusang palo sa pag-aaral.
May tiwala sa sariling kakayanan.
Aktibo sa klase.
Nagpapakita ng interes at kasiglahan sa mga gawaing pang-akademiko.
Madaling makaunawa/makasunod sa mga aralin.
Madaling nakakasunod sa mga panuto.
May wastong saloobin sa kanyang pag-aaral. Aktibo sa klase.
Madaling matuto sa mga aralin
Madaling makaunawa ng mga aralin at laging handa sa mga gawaing pansilid-aralan.
May wastong pamamaraan sa pag-aaral.
May pagsisikap at kasiglahan sa pag-aaral.
Masigasig sa pag-aaral.
Kinakitaan ng pagpupunyaging paunlarin ang sariling kakayahan.
Masiglang nakikibahagi at nakikilahok sa pagtatalakayan sa klase.

C. Pag-uugali
Matulungin at matapat sa kanyang mga kaklase.
May kusang palo sa mga gawaing pansilid aralan.
Mahusay makisama sa mga guro pati na sa kanynag mga kamag-aral.
Hindi kinakailangang palaging utusan. May sariling kusa.
Marunong makibagay sa nakakarami / makisama sa mga kapwa kamag-aral.
Marunong makibahagi sa kapwa bata sa loob at labas ng paaralan.
Mapagkakatiwalaan sa mga gawain.
Magalang at masunurin sa mga guro.
Masipag gumawa ng mga itinakdang gawain.
May kooperasyon sa mga kaklase.
Nagpapakita ng pakikiisa sa mga kamag-aral sa pagsasagawa ng mga gawaing pangklase.
Marunong magpahalaga sa oras.
Malinis sa katawan at gamit.
Laging maayos at handa sa klase.
Pumapasok sa klase ng laging handa.
Kinakitaan ng liksi sa mga gawain.
Pamalagiin ang mabuting pag-uugali.
Masiglang nakikilahok sa mga pangkatang gawain.
Matulungin at matapat sa kanyang kamag-aral.
Magalang at malumanay magusap.
Responsable at mapagkakatiwalaang mag-aaral.
Responsable at mahusay na lider.
Kinakitaan ng angking kakayahan sa pamumuno.
Tinatanggap ang mga responsibilidad ng taos sa puso at gumagawa ng maayos.
Tahimik at palaging nakikinig.
Nagpapakita ng tibay ng loob at paninindigang matuto sa bawat aralin.
May masayahing kalooban.
Nagpakitang ang kahirapan ay hindi hadlang sa may talino at gustong malinang para sa magandang kinabukasan.
Ipinapakita sa salita at gawa ang pagkatuto.

D.  Extra-Curricular Activities
Matalino at maaasahan sa mga gawaing pampaaralan.
Nagpapakita ng kawilihan sa mga gawaing iniatang sa kanya.
Sumusunod sa mga alituntunin ng paaralan.
Maayos sa kilos at pananamit.
Masigasig sa paggawa at pagtulong sa mga gawain sa silid-aralan at paaralan.
Isinasagawa ang mga gawaing iniatang sa kanya sa abot ng makakaya.

E. Positive + Negative = Neutral
Malaki ang pagkakataong mapaunlad pa ang pagkatuto kung ____________.
Matataas ang mga marka subalit nangangailangan ng ibayong pagsisikap sa __________.


References:
Compiled from different sources - Courtesy of Teachers from Paranaque National HS – Main

DOWNLOAD PRINTABLE COPY HERE


14 comments: